SIAYAN, ZAMBOANGA DEL NORTE: Istorya ng Pag-asa, determinasyon at dedikasyon

Siayan

Ang Siayan Zamboanga del Norte ay isa sa pinaka mahirap na bayan sa Pilipinas noon. Noong 2009, ito’y nabansagang poorest municipality ng bansa ayon sa National Statistical Coordination Board (now part of the Philippine Statistics Authority).

Ayon kay Mayor Flora Villarosa, mayor ng bayan simula 2010, ang kanilang poverty incidence ay 97.5%, o sa sampung Siayanons, 10 sampu ang namumuhay below poverty line. Aniya, 70% ng populasyon nilang 43,000 ay may kulturang mahiyain, di nagbabasa o nagsusulat kaya’y sila’y pinag drawing ni Mayor kung ano ang gusto nila. Binigyan nila ang mga tao ng krayola, pencil at papel sabi ni Mayor sa interview niya sa Rappler.

Ang mga dinrawing ng mga taon doon ay eskwelahan na may flagpole, kalabao, corn fields, tulay, daan na may simpleng bahay kubo sa gilid at plato. Naisip ni Mayor Villarosa na kaya plato dahil sila ay gutom.

Ang gawain ng mga residente doon ay naglalakad ng walo hanggang sampung oras sa Siayan town isang beses sa isang linggo para bumili ng asin, bulad, ginamos upang makain. Kaya nag organisa si Mayor Villarosa ng cooperatiba sa Siayan sa 22 barangay sa pagtatayo ng sari-sari stores para sa mga tao doon. Bukod sa mais, ang lokal na gobyerno ay tumulong din sa mga Siayanons na magtanim ng gulay.

Nagpatuloy din si Mayor Villarosa sa pag gawa ng kalsada, eskwelahan, water systems at koneksyon sa kuryente. Pinadala din nila ang mga empleyado ng mga munisipyo sa training sa agrikultura at pangangalakal para maituro ito sa mga Siayons.

Ngayong pitong taon na ang mga gawain ng lokal na pamahalan ng Siayan sa pamumuno ni Mayor Villarosa. Sa pinaka latest survey ay bumaba na ng 50% ang poverty incidence ng kanilang lugar. Mula sa pinaka mahirap na municipality ng 2003-2009, ayon kay Mayor, ang Siayan ay nasa 36th na at umaakyat na ang kanilang rank.

Na commit na din ang Philhealth sa pagtulong sa Siayan ukol sa pangangailangan nila sa Health.

Sabi ni Mayor, iba na ang pagiisip ngayon ng mga tao sa kanilang bayan, “From having a mindset of ‘we were born poor, we will always be poor’ to ‘we can improve our lives with right attitude and hard work.:

Ayon din sakanya: “This is my last term, I just want them to continue what we have started and achieved.”

Mabuhay ka Mayor Villarosa!

SOURCE/S:

https://www.rappler.com/nation/165305-subanens-celebrate-poverty-reversal-siayan-zamboanga-norte

https://www.philhealth.gov.ph/news/2012/siayan_story.html

Photo Credit:

RAPPLER